dzme1530.ph

Dayalago sa harap ng geopolitical situation, isinulong ng Papal Nuncio ngayong Independence Day

Isinulong ni Diplomatic Corps Dean Papal Nuncio Charles Brown ang pagkakaroon ng dayalogo sa harap ng geopolitical issues.

Sa kanyang talumpati sa vin d’honneur sa Malacañang, inihayag ni Brown na walang pinagkaiba sa nakaraan ang kasalukuyang geopolitical situation, sa harap ng polarization o nagkakaiba-ibang pananaw, at mga sigalot na may kaakibat ng karahasan.

Kaugnay dito, iginiit ng top vatican envoy na kung ninanais na maging ligtas at masagana ang mundo, kailangang tularan ang itinaguyod na kapayapaan sa Mindanao, sa pamamagitan ng dayalogo.

Sinabi pa nito na ang pag-uusap ng mga hindi nagkakasundong partido ang pinaka-mabisang paraan upang maiwasan ang paglala ng mga tensyon.

Kabilang sa mga dumalo sa vin d’honneur ay si Chinese Ambassador Huang Xilian.

About The Author