dzme1530.ph

Dating technical issues, naitala sa iba’t ibang lugar ngayong Halalan 2025, ayon sa LENTE

Loading

Ilang dating technical issues ang naitala sa iba’t ibang lugar ngayong 2025 National and Local Elections.

Ayon sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE), ang mga technical issue ay kinasasangkutan ng automated counting machines (ACMS).

Sinabi ng Lente na ang pinaka-karaniwang problema ay sensitive scanners na kadalasang nagreresulta sa pag-reject sa balota.

Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang itigil pansamantala ng Electoral Board ang operasyon para linisin ang scanner, na nagreresulta ng delays at mahabang pila.

Kabilang sa mga nakaranas ng ganitong aberya ang ilang presinto sa Zamboanga Del Sur, Ilocos Sur, Cagayan, Negros Oriental, Bohol, Aklan, at Lanao Del Norte.

Sa isang presinto naman sa Santa Cruz, Laguna, isang voter verifiable paper audit trail ang nag-jam, subalit agad namang naresolba ng Electoral Board.

About The Author