dzme1530.ph

DATING SPEAKER ROMUALDEZ, PASOK SA REKOMENDASYON NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA POSIBLENG KASUHAN SA FLOOD CONTROL MESS

Loading

NILINAW ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na hindi nila inabswelto sa kanilang partial report kaugnay sa flood control mess si dating House Speaker Martin Romualdez.

 

Sinabi ni Lacson na hindi totoo ang impormasyon na wala sa rekomendasyon nila si Romualdez.

 

Ipinaliwanag ni Lacson na kasama ang kongresista sa 2nd catergory kasama si Senador Francis Chiz Escudero na pwedeng kasuhan.

 

Ito anya ay dahil ikinunsidera nila sa report ang salaysay ni Orly Guteza na nagsabing naghatid ng male-maletang pera sa bahay ng dating Speaker.

 

Maliban sa alegasyon ni Guteza, si Romualdez ay dati ring naiugnay ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

About The Author