dzme1530.ph

Dating Speaker Romualdez, hindi maaaring ikonsiderang state witness sa flood control projects anomaly

Loading

Umalma si Senadora Imee Marcos sa impormasyon na maaaring ikonsiderang state witness si dating House Speaker Martin Romualdez sa mga anomalya sa flood control projects.

Ipinaalala ni Marcos na malinaw ang mga requirement sa pagiging state witness, dapat ay hindi ang most guilty.

Kasabay nito, pinagdudahan ni Marcos na magiging makatotohanan ang laman ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na handang ilabas ni Romualdez.

Sinabi ni Marcos na walang problema sa paglalabas ng SALN, subalit ang tanong ay kung totoo bang iyon lamang ang kanyang kayamanan.

Nagbabala rin ang senadora na posibleng panibagong “script” na naman ang ilalabas ni Romualdez sa pangako nitong tell-all sa Independent Commission on Infrastructure.

 

About The Author