dzme1530.ph

DATING SENADOR RAMON BONG REVILLA JR., TUMANGGING MAGPASOK NG PLEA SA KASONG MALVERSATION DAHIL SA GHOST FLOOD CONTROL PROJECT

Loading

Nagpasok ng not guilty plea ang Sandiganbayan Third Division para kay dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa kanyang kasong malversation. 

 

May kaugnayan ito sa umano’y P92.8 million na halaga ng ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. 

 

Sa kanyang arraignment kanina, tumanggi si Revilla na magpasok ng anumang plea sa kaso kaya’t ang anti-graft court ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.

 

Ang co-accused naman ng dating mambabatas na si dating DPWH Bulacan First District Engineering Office Finance Section Chief Juanito Mendoza ay nagpasok ng not guilty plea.

 

Noong nakaraang linggo, naghain din ng not guilty plea para kay Revilla ang Sandiganbayan Fourth Division sa kanya namang kasong graft. 

About The Author