![]()
Sasampahan ni dating senador Antonio Trillanes IV ng ethics complaint si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa ilang buwan na nitong pagliban sa Senado.
Sinabi ni Trillanes na tuloy-tuloy ang pagpopondo ng gobyerno sa opisina ng senador, pero hindi ito pumapasok gayong wala namang dahilan ang pag-absent nito.
Idinagdag ng dating mambabatas na bibigyan pa nila ng panahon si Dela Rosa dahil baka sakaling magbago pa ang isip nito.
Maliban na lamang aniya kung sadyang pinababayaan ni Dela Rosa ang kanyang tungkulin.
Matatandaang hindi dumalo si Dela Rosa sa alinmang plenary session sa Senado simula noong Nov. 2025 matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas na umano ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng war on drugs ng nakalipas na Duterte Administration.
