dzme1530.ph

DATING SEN. TRILLANES, ITINANGGING TUMANGGAP NG PERA PARA PONDOHAN ANG KASO LABAN KAY FPRRD

Loading

Itinanggi ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon na tumanggap siya ng dalawang milyong dolyar upang pondohan ang prosecution team ng International Criminal Court sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

 

Sa alegasyon, nakatanggap umano si Trillanes ng pera mula kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co upang tustusan ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity ng dating pangulo.

 

Ayon kay Trillanes, malinaw naman kung ano ang oblective ng pagsulpot ng mga umano’y miyembro ng Phil Marine, at ito ay idiscredit ang isinasagawang proceedings sa ICC. 

 

Nagbanta naman si Trillanes na sasampahan nito ng kaso ang mga nagkalat ng alegasyon laban sa kanya. 

 

Kabilang sa mga pangalang binanggit  ng dating mambabatas na kakasuhan ay sina Atty. Levi Baligod, Mike Defensor, Jay Sonza at 18 dating sundalo.

About The Author