dzme1530.ph

DATING SEN. MANNY PACQUIAO, SASAMPAHAN NG PATONG-PATONG NA REKLAMO ANG INARESTONG VLOGGER NA SI “FRANCIS LEO MARCOS”

Loading

Handa na ang patong-patong na reklamo na isasampa ni dating Sen. at boxing icon Manny Pacquiao laban sa inarestong vlogger na si Norman Mangusin o na kilala rin bilang “Francis Leo Marcos”.

 

Inakusahan ni Pacquiao ang vlogger ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon at panloloko sa publiko.

 

Sinabi ng dating senador na preparado na lahat ang maraming kaso na isasampa niya, maging ang mga ebidensya laban kay Mangusin na nais niyang makita ng personal.

 

Ayon kay Pacquiao, paulit-ulit na binanggit ng vlogger ang kanyang pangalan at gumawa ng mga kwento para sa personal gain nito.

 

Aniya, delikado ang ginagawa ni mangusin dahil maraming tao ang napaniwala nito, at niloko, lalo na ang mga OFW.

 

Hindi naman tinukoy ni Pacquiao ang mga eksaktong reklamo na isasampa nito laban kay Mangusin.

About The Author