dzme1530.ph

Dating Sen. Leila De Lima, umapela sa Muntinlupa Court na irekonsidera ang pagbasura sa kanyang bail petition

Naghain ng motion si dating Senador Leila De Lima para hilingin sa Muntinlupa Court na irekonsidera ang naunang desisyon nito na pagbasura sa kanyang petisyon na makapagpiyansa kaugnay ng natitira niyang drug case.

Sa 22 pahinang Motion for Reconsideration, sinabi ni De Lima na nakagawa ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 ng “grave but reversible error” nang magdesisyon ito na natumbok ng prosekusyon ang burden of proof na kailangan sa bail hearing.

Iginiit ni De Lima na hindi napansin ng korte ang mga tinukoy na punto ng kanyang kampo sa cross-examination sa mga testigo ng prosekusyon at argumento sa kanyang motion for bail.

Idinagdag ng dating senador na ang kailangan sa bail hearing ay “strong evidence of guilt” at hindi “probable cause.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author