dzme1530.ph

DATING SEN. BONG REVILLA, PUMALAG SA MGA NAG-AAKUSA SA KANYA

Loading

Kinastigo ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang mga nag-uugnay sa kanya sa flood control scandal. 

 

Sinabi ni Revilla na hindi niya alam kung paano nakakatulog ang mga nag-aakusa sa kanya. 

 

Ginawa ng dating senador ang pahayag matapos dumalo sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kanyang kasong plunder sa Department of Justice. 

 

Kinuwestyon ng kampo ng dating mambabatas ang kasong plunder makaraang matanggal na bilang kanyang co-respondents sina dating dpwh Undersecretary Roberto Bernardo at Engineers Henry Alcantara at Gerard Opulencia. 

 

Ang tatlo ay nauna nang naaprubahan bilang state witnesses sa kaso. 

 

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ni Revilla na si Francesca Señga na sa pagtatanggal sa tatlo sa kaso, si Revilla at ilang hindi pa kinikilalang respondents ang natitira. 

 

Tanong ni Señga kung paanong mabubuo ang conspiracy kung mag-isa na lamang ang mambabatas. 

 

Pinag-aaralan ng legal team ng dating senador ang kanilang susunod na hakbang matapos ang development sa kaso.

About The Author