dzme1530.ph

Dating Sen. Biazon, namayapa na sa edad na 88

Pumanaw na sa edad na 88 si dating Senador Rodolfo Biazon dahil sa serious pneumonia.

Sa pahayag ni Rino Biazon, alas-8:30 ng umaga nang mamaalam ang dati ring chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Noong isang taon na-diagnose ang Marine General na may lung cancer at sumailalim sa treatment subalit Mayo 21 nang tamaan ito ng serious pneumonia.

Una na ring kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na na-intubate pa ang dating senador mula Mayo 22 hanggang Hunyo 3 bago ito tuluyang namaalam ngayong umaga.

Ayon sa pamilya Biazon, ibuburol ang dating heneral sa Heritage simula bukas.

Si Pong Biazon ay nagsilbi bilang AFP chief of staff noong 1990 hanggang 1991 bago naging senador mula 1992 hanggang 2010 at nagsilbi bilang kongresista ng Muntinlupa noong 2010 hanggang 2016. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author