dzme1530.ph

Dating pulis na nanakit ng siklista sa Quezon City, kawani ng Korte Suprema

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang dating pulis na sangkot sa nag-viral na video na nanakit ng isang siklista sa Quezon City.

Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, inilahad na empleyado ng Supreme Court ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales at nagtratabaho sa opisina ni Associate Justice Rosario.

Ngunit nakasaad rin sa naturang sertipikasyon na agad na sinibak sa puwesto si Gonzales noong August 27, 2023 nang mangyari ang insidente.

Paliwanag ng Korte Suprema, hindi kinukunsinti ni Justice Rosario ang anumang uri ng karahasan o mapang-abusong pag-uugali. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author