dzme1530.ph

Dating PNP Chief Nicolas Torre III, Nanumpa na bilang bagong General Manager ng MMDA!

Loading

Opisyal nang nanumpa ngayong araw si dating PNP Chief Nicolas Torre III bilang bagong General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang oath taking ni Torre sa Malakañang ngayong araw ng Biyernes.

Una nang sinabi ni Metro Manila Film Festival (MMFF) Spokesperson Noel Ferrer na magkakaroon ng unang public appearance si Torre sa MMFF awards nights bukas, December 26.

Matatandaan na tinanggal si Torre bilang hepe ng Pambansang Pulisya noong buwan ng Agosto. 

About The Author