![]()
Nagluluksa rin si former president at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pagyao ni dating speaker of the House Jose De Venecia Jr.
Sa posted message ni GMA sa kanyang social media page, siya umano ay nagluluksa dahil bukod sa naging haligi ng kamara si JDV, matagal na niya rin itong kaibigan at partner sa public service.
Taong 1998 nag-tandem si JDV at GMA sa presidential elections kung saan nanalong bise presidente si GMA, habang hindi naman pinalad si JDV.
At sa panahon naman na siya ang naupo ng pangulo, si JDV ang Speaker of the House, at sa panahon na yun, magkasama silang naglilingkod.
Inamin ni GMA na may mga pagkakataon na sumabak sila sa masalimuot na sitwasyon, subalit sa dakong huli, magkasundo sila ni jdv sa paggalang sa democratic institutions, political stability, at long-term interest ng bansa.
At bilang speaker, naiintindihan nito ang central role ng Congress sa governance at strong believer ng dialogue, coalition-building, at consensus.
Ibinahagi nito sa publiko ang aniya ay “rare combination of political skill, institutional memory, at international perspective.”
Sa huli, pinaabot ni gma ang pakikidalamhati kay manay Gina De Venecia, at sinabi na ang bansa ay nawalan ng isang “iconic political figure” na ang impluwensya sa political life ay mararamdaman pa ng mga susunod na henerasyon.
