![]()
Posibleng personal na dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa confirmation of charges hearing ng International Criminal Court, simula sa February 23.
Ito ang inihayag ni ICC Assistant to Counsel Atty Kristina Conti.
Sinabi ni Conti na may mga ipinatutupad ang pre-trial chamber na hakbangin para sa kalusugan ng dating pangulo.
Idinagdag ni Conti na wala siyang narinig na nagrequest ang kampo ni Duterte para humarap sa pamamagitan video conferencing.
Posible anyang umabot lamang ng tatlong oras sa loob ng isang araw ang pagdinig na itinakda mula Febuary 23 hanggang 24 at February 26 hanggang February 27.
