![]()
Kabaligtaran sa argumento ni Atty. Nicolas Kaufman, nasa maayos na pag-iisip at kalusugan si Former President Rodrigo Duterte.
Ayon kay mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima, patunay nito ang mismoong waiver ni Duterte na nagsasabing hindi siya makikibahagi sa ICC hearing na kanyang pinirmahan.
Una nang sinabi ni Kaufman na hindi “fit to stand trial” ang dating pangulo dahil hindi na ito makaunawa sa instructions ng abogado.
Pero sa pag-affix ni Duterte ng kanyang pirma sa waiver, malinaw na nauunawaan nito ang nilalaman ng waiver.
Para kay De Lima, isa na naman itong “propaganda at legal strategy.”
Propaganda lalo pa nang sabihin nito na tanggap na niyang mamatay sa loob ng kulungan.
Legal strategy naman dahil ang pagharap ni Duterte ay baka magdulot pa ng panganib sa kanyang depensa, lalo na kung hindi ito makontrol ni Kaufman sa harap ng ICC judges dahil kilala ang dating pangulo sa pagwawala.
Dagdag pa nito, ang non-appearance ni Duterte ay “preemptive damage control” ni Kaufman sa pagiging unpredictable ng kanyang kliyente.
