dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, naniniwalang sapat na ang isang presidente mula sa isang pamilya

“Sapat na ang isang presidente mula sa isang pamilya.”

Pahayag ito ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte, sa National Assembly ng Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), sa Davao City.

Sinabi ni Ginoong Duterte na dapat ay mabigyan din ng pagkakataon ang iba na pamunuan ang bansa.

Tugon ito ng dating Pangulo nang tanungin tungkol sa posibleng pagtakbo ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential election.

Anim mula sa 17 presidente sa bansa ay mula sa tatlong political families na kinabibilangan ng mag-amang Diosdado Macapagal at Gloria Macapagal-Arroyo; mag-Amang Ferdinand Marcos Sr. at Ferdinand Marcos Jr.; at mag-inang Corazon Aquino at Benigno Simeon Aquino III. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author