Magtutungo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa, mamayang alas-10 ng umaga.
Ito, ayon kay Atty. Salvador Panelo, dating tagapagsalita ni Duterte, ay para komprontahin ang mga miyembro ng House Quad Committee na nag-demand ng presensya nito at tinanggap ang kanilang imbitasyon.
Sinabi ni Panelo na ipinagpaliban ng Komite ang pagdinig, ngayong Miyerkules, sa drug war nang hindi man lang nag-abiso ng maaga, gayung lumipad pa pa-Maynila mula Davao ang dating Pangulo.
Idinagdag ng dating Duterte administration official, na hihilingin ng dating Punong Ehekutibo sa quad comm na magkaroon ng 10-araw na marathon hearing.
Una nang inihayag ni House Quad Comm Lead Chairperson Robert Ace Barbers na iniurong nila ang hearing sa Nov. 21 mula ngayong Nov. 13, dahil ini-evaluate pa ng lupon ang kredibilidad ng mga testigo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera