Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na hindi kailanman magiging traydor sa bayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ni Padilla ang pahayag makaraang umalma sa akusasyon na ang dating pangulo ang nangako sa China na ipatatanggal ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Iginiit ni Padilla na ang nais ng dating punong ehekutibo ay ipagtanggol ang soberenya ng bansa.
Master anya sa geopolitics ang dating pangulo at hindi nito magagawang ibenta ang Pilipinas.
Sa katunayan, dagdag ng senador na sa panahon ng pamumuno ni Duterte nagkaroon ng maraming assets ang Armed Forces of the Philippines at maging ang Philippine Coast Guard.
Una rito may mga kumalat na impormasyon na nagtraydor ang dating pangulo sa bansa makaraang mangako sa China na ipatatanggal ang BRP Sierra Madre.
Maging si dating Executive Secretary Salvador Medialdea ay nagsabi na walang ganitong ipinangako si dating Pangulong Duterte. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News