dzme1530.ph

Dating pangulong Duterte, bukas na sa panukalang Cha-cha  

Matapos tutulan ang panukalang Charter change, bukas na si dating pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang Saligang Batas, kabilang na ang term limit para sa presidente, basta’t hindi ito pabor sa mga kasalukuyang opisyal.

Sa Prayer Rally sa Cebu City na inorganisa ng mga kontra sa People’s Initiative, sinabi ng dating Pangulo na hindi niya tututulan ang Cha-cha, kung ipapangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na ito kakandidatong muli.

Nagbabala pa si Duterte kay Marcos na huwag nitong babaguhin ang konstitusyon para sa pansariling interest at pahabain ang kanyang termino.

Binilinan pa ang Pangulo na huwag sundan ang yapak ng ama nito dahil sigurado siyang babagsak ito.

About The Author