dzme1530.ph

DATING OVERALL DEPUTY OMBUDSMAN MELCHOR ARTHUR CARANDANG, PINAIIMBITAHAN SA IMPEACHMENT HEARINGS LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

Ipinakokonsidera ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V sa Committee on Justice, na imbitahan si former overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Si Carandang ay posibleng testigo sa alegasyon hinggil sa SALN o statement of assets, liabilities and net worth ni Vice President Sara Duterte na iniisyuhan ng unexplained wealth.

Ayon kay Ortega, ang dating Deputy Ombudsman na si Carandang ay nagsagawa ng high-level investigation sa mga bank transaction records, kabilang ang nagmula sa AMLC o Anti-Money Laundering Council.

Sinuri ng AMLC ang financial transactions ni former President Rodrigo Duterte at mga accounts na iniuugnay sa pamilya nito kabilang si VP Sara.

Naniniwala si Ortega na malaking tulong sa komite ang mga impormasyon na maibibigay ni Carandang, partikular ang pag-evaluate sa bank records kasabay ng SALN disclosures.

Si Carandang ay nagsilbing overall Deputy Ombudsman mula 2013 hanggang 2019, subalit noong 2018 sinibak ito sa pwesto dahil sa misconduct at paglabag sa confidentiality rules, na pinagtibay with finality noong 2019 ni former President Duterte.

About The Author