Inaresto ng mga awtoridad ang isang Tsino na umano’y opisyal ng ipinasarang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) outfit sa Makati City, sa isang five-star hotel sa lungsod.
Sinabi ni Makati Police Spokesperson Police Captain Jenibeth Artista, na dahil luxury hotel, ay iniwasan nilang magkaroon ng eskandalo o komosyon sa loob ng gusali.
Nahaharap sa 18 counts ng qualified theft ang dayuhan na finance executive at nagma-manage ng expenses, cash transactions sa loob at labas ng kumpanya.
Sa impormasyong nakuha ng Makati Police Intelligence Unit, nakakulimbat umano ang Chinese suspect ng milyon-milyong halaga ng cryptocurrency.