dzme1530.ph

Dating Ombudsman Samuel Martires, pinabulaanan ang midnight appointments

Loading

Pinabulaanan ni dating Ombudsman Samuel Martires ang umano’y midnight appointments sa Office of the Ombudsman, kasabay ng pagsasabing ang pag-hire at promotions sa kanyang huling taon bilang pinuno ng anti-graft court ay kinakailangan.

Binigyang-diin ni Martires na walang midnight appointee sa Office of the Ombudsman dahil hindi ito political office.

Reaksyon ito ni Martires sa inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla tungkol sa questionable appointments o midnight appointments, kabilang ang pag-hire at pag-promote ng dating Ombudsman sa 204 personnel mula Mayo hanggang Hulyo, o sa huling tatlong buwan ng kanyang panunungkulan bilang tanodbayan.

Paliwanag ni Martires, ang mga na-hire ay mula sa mga driver hanggang sa mga abogado na umu-okupa sa mas mataas na posisyon.

Ipinatanggol din niya ang promotion ng dalawang personnel na naging Assistant Ombudsman, at sinabi na ang pag-angat ng kanilang posisyon ay bunsod ng merito at pinalit sila sa mga nag-retire na sa serbisyo.

About The Author