dzme1530.ph

Dating military comptroller Maj. General Carlos Garcia, nakalaya na mula sa NBP

Lumaya na sa Bilibid ang dating military comptroller, retired Maj. Gen. Carlos Garcia matapos mapagsilbihan ang kanyang pinakamataas na sentensiya sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ang ipinag-utos ni = Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang matapos aprubahan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pagpapalaya kay Garcia na ang sentensiya ay ganap nang naibigay sa computation kabilang ang 3,288 GCTA sa ilalim ng RA 10592 o ang batas na nagbibigay ng good conduct time allowance (GCTA) para sa mga (PDLs).

Si Garcia ay sinentensiyahan ng Sandigan Bayan Second Division ng apat hanggang walong taon sa bilangguan dahil sa direktang panunuhol sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code; at isa pang apat hanggang anim na taong pagkakakulong dahil sa pagpapadali sa money laundering sa ilalim ng Seksyon 4 (B) ng Republic Act 9160  o ang Anti-Money Laundering Law.

Nasentensiyahan din siya ng hindi bababa sa isang taon at walong buwan hanggang sa maximum na dalawang taon at apat na buwan para sa perjury ng anti-graft’s court at maximum na dalawang taon para sa paglabag sa 96th at 97th Article of War ng General Court Marcial of the Sandatahang Lakas ng Pilipinas. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author