dzme1530.ph

DATING MARIKINA REP. STELLA QUIMBO, TUMANGGAP NG ILANG MALETA NG PERA MULA SA KICKBACK SA FLOOD CONTROL – EX-SOLDIERS

Loading

Ibinunyag ng 18 dating sundalo na naghatid sila ng ilang maleta na naglalaman ng pera kay noo’y Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

 

Dinala umano sa bahay ni Quimbo ang maleta na naglalaman ng kickbacks mula sa flood control projects.

 

Bilang suporta sa kanilang alegasyon, nagbigay ang mga dating sundalo ng litrato ng walong malalaking maleta at isang maliit na maleta na inihatid nila sa bahay ni Quimbo.

 

Anila, ang isang malaking maleta ay naglalaman ng P50 hanggang P70 million habang ang maliit na maleta ay nasa P15 hanggang P25 million ang laman.

 

Si Quimbo ay naging miyembro ng Bicameral Conference Committee at nagsilbing Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations sa panahon ng deliberasyon sa 2025 national budget.

 

Kalaunan ay pinalitan niya si Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co na nagbitiw bilang chairperson ng komite.

About The Author