![]()
Karapatan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na gamitin ang lahat ng legal remedies upang hindi matulad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakulong sa The Hague, Netherlands.
Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro bilang tugon sa plano ni Aguirre na maghain ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa pagkakasangkot niya sa kaso ng dating pangulo sa International Criminal Court.
Sinabi ni Castro na ang korte na ang bahalang magpasya kung tama o hindi ang gagawing hakbang ng dating kalihim.
Subalit ipinaalala ng opisyal na may umiiral na batas sa bansa na nagsasabi na kapag ang mga kaso ay nakapending sa ibang estado o sa ICC, ang opsyon ay ipagpatuloy ang hearing sa ICC.
Kung ito ang pagbabatayan, malinaw na walang nilabag na batas ang administrasyon sa pagpapadala sa dating pangulo sa The Hague.
