![]()
Ikinagulat ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang pagpapaliban ng Senate Blue Ribbon Committee sa itinakda sanang pagdinig kaugnay sa flood control project sa April 14.
Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng kumite na hindi muna itutuloy ang pagdinig dahil hinihintay pa nila ang affidavit ni Singson.
Sinabi ni Singson na handa na siyang isumite ang affidavit sa kumite noong April 7 subalit natanggap niya ang notification kaugnay sa pagpapaliban ng pagdinig noong araw na iyon.
Nanindigan si Singson na wala siyang kinalaman sa pagpapaliban ng hearing dahil ang kumite ang nag-cancel.
Tiniyak naman ng dating gobernador na handa pa rin siyang isumite sa kumite ang kanyang affidavit.
