![]()
“Respeto, paghanga, at mentor,” ganyan inilarawan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III si late Speaker Jose De Venecia Jr. o Tito Joe sa ginanap na necrological service sa kamara.
Ayon kay Dy, ang nagkakaisang personalidad na nagsasama-sama ngayon sa bulwagan ng house of representatives ay repleksyon ng malalim na impluwensya ni JDV across political lines at generations.
Inamin ni Dy na sa mga nagdaang panahon “nagkaroon sila ng magkakaibang opinyon sa iba’t ibang usapin, subalit nanatili pa rin ang paggalang sa isa’t isa.”
Malinaw umano ang sukatan ng kanyang pamumuno, at kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang tungkulin sa bayan.
Ang kanya umanong paraan ay simple, ngunit mabisa — ang makinig, magpaliwanag, at magbuklod.
Sumunod na nagbigay ng kanilang eulogies ay sina former President at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, former Senate President at House Speaker Manuel Villar, former Speaker Feliciano Belmonte Jr., at former Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte at kasalukuyang taga-Pangulo ng Lakas-CMD.
