dzme1530.ph

Dating Executive Secretary Lucas Bersamin, pinalagan ang pagdawit sa kanya sa “Cabral Files”

Loading

Ikinagalit ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagdadawit sa kanya sa umano’y iniwang dokumento ni yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Nabanggit kasi sa tinaguriang “Cabral Files” ang isang nagngangalang “es”, na isa umano sa mga miyembro ng gabinete na proponent ng mga proyekto sa DPWH.

May alokasyon umano ang “es” na 8.3 billion pesos na halaga ng DPWH projects sa ilalim ng 2025 general appropriations act.

Binigyang diin ni Bersamin na hindi siya humiling, nag-endorso, nag-apruba o nag-authorize ng anumang DPWH project o budget allocation.

Aniya, wala rin siyang inatasan na sinuman, sa loob man o sa labas ng gobyerno, na gamitin ang kanyang pangalan o dating opisina para sa anumang kahalintulad na layunin.

 

About The Author