dzme1530.ph

Ex-Energy Sec. Alfonso Cusi, 4 iba pa, kinasuhan ng Ombudsman kaugnay ng Malampaya deal

Loading

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng graft si dating Energy Secretary Alfonso Cusi at apat pang personalidad kaugnay ng pagbebenta ng sapi ng Chevron sa Malampaya project sa Udenna Corp. noong 2019.

Bukod kay Cusi, sinampahan din ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga dating opisyal ng Department of Energy na sina Donato Dionisio Marcos, Robert Uy, Leonido Pulido III, at Cesar Dela Fuente III.

Ayon sa abogado ng dating kalihim, wala pa silang natatanggap na kopya ng umano’y asunto at nalaman lamang nila ito sa mga balita.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Partido Demokratiko Pilipino na isang kaso ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay Cusi, na kasalukuyang acting chairman ng PDP.

About The Author