dzme1530.ph

Dating DPWH Usec. Catalina Cabral, idineklarang patay matapos matagpuang walang malay sa Bued River

Loading

Idineklara nang patay ang dating Department of Public Works and Highways undersecretary na si Maria Catalina Cabral matapos matagpuang walang malay sa bahagi ng Bued River sa Kennon Road, Tuba, Benguet.

Ayon sa Cordillera Police, binabagtas ni Cabral ang Kennon Road patungong La Union kasama ang kanyang driver nang magpasya umano itong bumaba at magpaiwan sa bahagi ng Maramal, Camp 5, Barangay Camp 4 bandang alas-tres ng hapon.

Dalawang oras ang lumipas nang balikan siya ng driver, ngunit hindi na ito matagpuan. Bumalik pa umano ang driver sa hotel sa Baguio City kung saan naka-check in si Cabral bago muling nagtungo sa Kennon Road viewdeck, Station 8 ng Baguio City Police Office, upang i-report ang insidente.

Bandang alas-otso ng gabi, nagsagawa ng search operation ang mga awtoridad at matagpuan si Cabral sa ilog. Naiahon ang kanyang katawan bandang hatinggabi at idineklara nang patay ng doktor alas-12:02 ng madaling araw ng Biyernes.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente na itinuturing na “alleged fall.”