Pinayagan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dumalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw ang nakadetineng si Brice Hernandez, dating Assistant District Engineer ng Department of Public Works and Highways sa Bulacan.
Matatandaang na-cite in contempt si Hernandez kahapon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects.
Sa kabila ng contempt order, binigyang daan ng Senate leadership ang kanyang temporary appearance bilang pagkilala sa inter-parliamentary courtesy.
Isinaayos na rin ang security arrangements para kay Hernandez sa pagitan ng Senate Sergeant-at-Arms at ng kanilang counterpart sa House of Representatives.
Nilinaw naman ni Sotto na obligadong bumalik si Hernandez sa Senado matapos ang pagharap sa Kamara.