dzme1530.ph

Dating DFA Secretary Albert Del Rosario, pumanaw na

Pumanaw na si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, sa edad na 83.

Ayon sa kanyang pamilya, binawian ng buhay ang dating kalihim ngayong araw ng Martes.

Wala pang ibang detalyeng inilabas ang pamilya kaugnay sa pagpanaw ng dating DFA Chief, pati na sa kanyang burol at libing.

Gayunman, sa statement ng DFA, inihayag ng ahensya na binawian ng buhay si Del Rosario habang patungong san Francisco, California.

Magugunitang pinangunahan ni Del Rosario ang matagumpay na arbitration case ng Pilipinas laban sa China noong 2016 kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga naunang nagpaabot ng pakikiramay si DFA Secretary Enrique Manalo na minsang nagsilbi kay Del Rosario bilang Undersecretary for Policy. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author