dzme1530.ph

Dating Cong. Zaldy Co, haharap sa pagdinig ng Senado sa flood control projects —Sen. Marcos

Loading

Tinukoy ni Sen. Imee Marcos si dating Cong. Zaldy Co bilang very important witness na dadalo sa pagdinig bukas ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.

Sinabi ni Marcos na batay sa kanyang impormasyon, nakumbinsi raw si Co na humarap sa pagdinig via Zoom.

Bukod kay Co, inimbitahan din anya ang ilang mga kongresista na may bitbit na script upang linisin ang pangalan ng kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.

Kinumpirma rin ni Marcos na haharap ding muli sa pagdinig si Cong. Toby Tiangco at mayroong dagdag na impormasyong ibubunyag.

Para sa senadora, mas maganda kung uuwi na lamang sa bansa si Co at huwag magtago sa Zoom.

About The Author