dzme1530.ph

Dating Cong. Arnie Teves, sasailalim sa “major surgery” kasunod ng matinding pananakit ng tiyan

Loading

Sasailalim si dating Negros Oriental Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa “major operation” sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Ayon ito sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, matapos isugod sa ospital ang dating mambabatas, kahapon ng umaga, bunsod ng matinding pananakit ng tiyan.

Sinabi ni Topacio na matapos masuri sa isang pampublikong ospital kahapon ng umaga hanggang hapon, nagpasya ang mga doktor na ang kondisyon ni Teves ay nangangailangan ng major surgery sa ibang ospital na may additional equipment at facilities.

Aniya, ang mga government doctor ang nagrekomenda na ilipat ang kanyang kliyente sa St. Luke’s.

 

 

About The Author