dzme1530.ph

Dating Cong. Arnie Teves, mananatili sa Bilibid sa kabila ng court order na ilipat ito sa Manila City Jail

Loading

Ipinag-utos ng isang Korte sa Maynila ang paglipat kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Manila City Jail, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Sa kasalukuyan ay nakaditine si Teves sa NBI Facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Gayunman, sinabi ni Santiago na hinold muna nila ang paglipat dahil iba’t ibang Korte sa Maynila ang humahawak sa mga kaso ng dating mambabatas.

Inihayag din ng NBI Director na naghain ang kampo ni Teves ng motion para ma-consolidate ang mga kinakaharap nitong kaso.

Sa ngayon ay inatasan ni Santiago ang NBI personnel na ibigay ang mga karapatan ni Teves, protektahan ito, at huwag hayaang makatakas.

About The Author