dzme1530.ph

Dating CHED official, tutol sa pagluwag ng foreign ownership restrictions sa educational institutions

Walang nakikitang pangangailangan si dating Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan na amyendahan ang probisyon ng saligang batas na may kaugnayan sa foreign ownership sa mga paaralan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa Resolution of Both Houses no.6, nagpahayag ng pagkadismaya si Licuanan sa pagsusulong ng charter change sa gitna ng dami ng problema ng bansa.

Sinabi ng dating CHED Chair na bilang educator ay hindi siya pabor sa pagluluwag ng restrictions sa foreign ownership sa educational institutions sa alinmang antas.

Subalit nilinaw ni Licuanan na suportado niya ang internationalization policy ng CHED at ang pakikipag-partner ng maraming higher education institutions sa mga foreign universities.

Ipinaliwanag ng dating opisyal na ang mga gantiong partnerships ay maaaring mapaghusay pa na hindi na kinakailangan ang cha-cha.

Binanggit din ni Licuanan na ang mga foreign direct investments na nangakong papasok sa bansa ay wala namang hinihinging kondisyon na kailangan muna ng charter change.

Mas nais anya ng mga negosyante na resolbahin ng gobyerno ang mga problema sa burukrasya at korapsyon na humaharang sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

About The Author