dzme1530.ph

Dating Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, inireklamo sa Comelec

Sinampahan ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) si dating Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, dahil sa kanya umanong mga malisyoso, mali, at nakaaalarmang pahayag laban sa mga paghahanda na ginagawa sa 2025 midterm elections.

Tatlong pribadong indibidwal ang nagtungo sa legal department ng Comelec, na kinatawanan ni Atty. Richard Rosales ng RM Law Firm, kung saan inihain ang 16-pahinang complaint affidavit laban kay Erice.

Ayon kay Rosales, nilabag ni Erice ang probisyon ng Omnibus Election Code dahil sa kanyang mga nakaaalarmang pahayag na posibleng magdulot umano ng kalituhan at alarma sa publiko.

Kabilang na umano rito ang mga pahayag ni Erice laban sa kontrata ng Comelec sa Miru Systems at pagpapalutang ng mga alegasyon ng katiwalian at suhulan, na nagpapatungkol kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Nilinaw naman ni Rosales na mga concerned citizens o pribadong indibidwal at hindi pulitiko o opisyal ang kanyang dalawang kliyente.

Nasa kamay na aniya ng Comelec kung iaakyat sa korte ang kaso laban kay Erice kung makakakita ng probable cause sa kaso.

About The Author