dzme1530.ph

Dating BuCor Chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Zulueta, inisyuhan ng hold departure order

Inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inisyuhan ng hold departure order sina dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating Jail Officer Ricardo Zulueta.

Sinabi ni Remulla na nasa bansa pa rin sina Bantag at Zulueta, at kasalukuyang tinutunton ng mga operatiba ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Aniya, agad ipinadala ang hold departure order sa Bureau of Immigration matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest.

Inihayag ng kalihim na walang timeline na itinakda para madakip ang dalawa subalit nangunguna sila sa listahan.

Inisyuhan ng warrant of arrest sina Bantag at Zulueta ni Muntinlupa RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito kaugnay sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid at sa umano’y middleman sa krimen na si Jun Villamor na isang inmate sa New Bilibid Prison. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author