dzme1530.ph

Data system sa Baguio City, 3 milyong beses inatake ng cybercriminals

Mahigit tatlong milyong beses na inatake ng Cybercriminals ang Data system ng Baguio City Local Government noong nakaraang taon subalit nalagpasan nila lahat ito ayon sa Management Information Technology Division (MITD) ng Baguio City Mayor’s Office.

Sinabi ni MITD Chief Francisco Camarao na nagsimula ang mga pag-atake noong Setyembre 2023 nang maging aktibo ang Medusa Ransomware at maraming ahensya ng pamahalaan ang naapektuhan.

Mabuti na lamang aniya ay hindi nagtagumpay ang mga nagtangkang umatake sa kanilang system dahil protektado sila ng Firewall.

Idinagdag ni Camarao na araw-araw ang ginawang pag-atake sa kanila at nagiging mas ‘sophisticated’ kaya kailangang paigtingin pa ang cyber security measures upang matiyak na protektado ang mga datos na kinalap mula sa iba’t ibang transaksyon sa City Government.

–Sa panulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author