Pinaiimbestigahan ni Sen. Imee Marcos ang napaulat na data breach sa Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police (PNP-FEO).
Kasabay ito ng pagpapahayag ng pagkaalarma ng senadora sa epekto nito sa national security, cybersecurity, at ang posibilidad na magamit ang hacked information na umaabot sa 1.5 terabytes na personal data sa mga ilegal na gawain.
Sinabi ni Marcos na walang kapatawaran na nalagay sa panganib ang datos ng halos kalahating milyonng Pilipino.
Hindi anya katanggap-tanggap ang paulit ulit na na kabiguan ng mga ahensya ng gobyerno na maprotektahan ang personal data ng publiko.
Iginiit ng mambabatas na ang seguridad ng bawat Pilipino ay hindi lamang kaugnay ng mga bantang pisikal, ngunit lahat na ng aspekto ng pamumuhay, lalong lalo na sa mga personal na impormasyong dapat ay pinangangalagaan.
Kabilang anya sa nakompromiso ang personal na impormasyon ng iba’t ibang indibidwal kabilang ang pangalan, address, petsa at lugar ng kapanganakan, trabaho, educational background, medical records, religion, at family information.
Muling iginiit ni Marcos ang pangangailangan na palakasin pa ng Department of Information and Communications Technology ang kanilang cybersecurity infrastructure.