Kinasuhan ng two counts ng cyberlibel ang direktor na si Darryl Yap sa Muntinlupa Regional Trial Court kaugnay ng kanyang kontrobersyal na biopic ng yumaong sexy actress na si Pepsi Paloma.
Inakusahan ng Office of the Prosecutor si Yap ng libel sa ilalim ng Article 353 at 355 ng Revised Penal Code, In Relation to Violation of Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nag-ugat ang kaso mula sa teaser ng pelikula ni Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma,” na ni-release noong Jan. 1, kung saan nabanggit ang pangalan ng Actor-TV host na si Vic Sotto.
Ang inirekomendang piyansa para sa bawat kaso ay ₱10,000.
Nagsampa si Sotto ng 19 counts ng cyberlibel complaint laban kay Yap noong Enero, matapos isapubliko ang kontrobersyal na teaser.