Pinigilan ng Film Director na si Darryl Yap ang napipintong pag-aresto sa kanya sa pamamagitan ng pagpa-piyansa ng ₱20,000 para sa Two counts of Cyberlibel charges.
Kaugnay ito sa kanyang kontrobersyal na teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Ang arrest warrant laban kay Yap ay inilabas noong March 19 ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 203 Presiding Judge Myra Quiambao, sa kasong isinampa ni TV Host-Actor Vic Sotto, sa pamamagitan ng government prosecutors.
Sa nabanggit ding araw ay naglagak si Yap ng piyansa na ₱10,000 kaso para sa bawat count ng cyberlibel complaint.
Bunsod nito, binawi at isinantabi na ng Muntinlupa RTC ang warrant laban sa direktor.