Asahan na papalo sa 42°C hanggang 45°C ang heat index o damang init, sa 38 na lugar sa bansa, ngayong araw.
Kabilang sa mga makararanas ng pinaka mataas na heat index ang mga lugar ng:
-Dagupan City, Pangasinan; Aparri, Cagayan; Dumangas, Iloilo at Zamboanga Del Sur, Zamboanga City – 45°C
-Laoag City, Ilocos Norte; San Jose Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Aborlan, Palawan at Catarman, Northern Samar – 44°C
-Bacnotan, La Union; Iba, Zambales at CLSU, Muñoz, Nueva Ecija at Baller, Aurora – 43°C
-NVSU Bayombong, Nueva Vizcaya; Isu Echaque, Isabela at Casiguran, Aurora – 42°C
Habang inaasahang makararanas ng 43°C na damang init ang Metro Manila ngayong Sabado.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na heat index sa mga lugar ng Dagupan City, Pangasinan; Sangley Point, Cavite; San Jose Occidental Mindoro at Zamboanga del Sur, Zamboanga City na may 45°C.
Samantala, patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko sa masamang dulot ng patuloy na pagbilad sa matinding sikat ng araw.