dzme1530.ph

‘Danger level’ na heat index, mararanasan ngayong unang araw ng Abril sa 4 lugar sa bansa

Loading

Apat na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger level” na heat index o damang init ngayong Martes.

Ayon sa bulletin ng Pagasa, ang pinakamataas na heat index na maaring maranasan ngayong araw ay aabot sa 46°C sa Dagupan City sa Pangasinan.

43°C naman ang inaasahang damang init sa Iba, Zambales at Virac (Synop), Catanduanes.

Samantala, posible ring umabot sa 42°C ang heat index sa Butuan City sa Agusan del Norte.

Paalala ng Pagasa, ang danger category na heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay may dalang panganib sa kalusugan, gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

About The Author