dzme1530.ph

Damage assessment sa magnitude 6.3 na lindol sa Batangas, ikinakasa ng OCD

Patuloy na nagsasagawa ng damage assessment ang Office of Civil Defense (OCD) matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa bayan ng Calatagan, Batangas kaninang alas-10:19 ng umaga.

Ayon kay OCD Information Officer Diego Agustin Mariano, wala pang natatanggap na ulat ang ahensya ukol sa “major damage” o pinsala na dulot ng malakas na pagyanig.

Wala pa rin aniyang nakarating na report ukol sa posibleng casualties sa lugar.

Nabatid na naramdaman din ang iba’t ibang intensity ng lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig-lalawigan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author