dzme1530.ph

Dallas Mavericks legend Dirk Nowitzki, pinayuhan ang si Kai Sotto para makapasok sa NBA

Nagbigay ng ilang tips si retired Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki sa Filipino Cager na si Kai Sotto para mapaghusay pa nito ang paglalaro at tumaas ang tsansa nito na makapasok sa NBA.

Sinabi ni Nowitzki na isa sa mahuhusay na big men sa NBA, na kailangan pang pagbutihin ni Sotto ang kanyang skills at palakasin pa ang katawan para makayanan ang balyahan sa NBA.

Ang German scorer ay may taas na 7-foot-flat, subalit ang kanyang shooting skills ang nakatulong sa kanya para maging MVP noong 2007 at NBA champion sa ilalim ng Dallas Mavericks noong 2011.

Target ni Sotto na maging kauna-unahang homegrown Filipino na mapabilang sa NBA, kaya’t sumali ito sa NBA draft noong 2022 subalit hindi ito napansin.

Bumisita sa Pilipinas si Nowitzki para sa FIBA World Cup draw na ginanap noong Sabado, April 29. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author