![]()
Nagpasalamat si Manila Cong. Rolando Valeriano sa dalawang toll operators na kusang nagbigay ng diskwento sa mga motorista.
Para kay Valeriano, ang aksyon ng Metro Pacific Tollways at San Miguel Corporation ay isang halimbawa ng “good corporate citizenship.”
Bagaman at malayo sa mungkahi nitong 50% discount sa inihain na House Resolution 879, malaking tulong pa rin sa taumbayan ang temporary lower rates na magsisimula agad sa Lunes, March 23.
Hindi na rin kailangan aprubahan ito ng Toll Regulatory Board dahil via RFID rebates ang diskwento.
Makakabawas din anya ito sa ipinapataw na dagdag presyo sa mga produkto na dumadaan sa tollways kung saan sa consumer ipinapasa ang anumang karagdagang gastos sa biyahe ng produkto.
