dzme1530.ph

Dalawang siklista, patay makaraang tamaan ng kidlat sa Cavite

Patay ang dalawang siklista matapos tamaan ng kidlat sa General Trias City sa Cavite.

Ayon sa Region 4A Police, nagbi-bisikleta ang dalawang lalaki sa gitna ng malakas na buhos ng ulan nang tamaan sila ng kidlat sa Barangay Tapia.

Agad isinugod ng rescuers ang dalawang biktima sa ospital subalit idineklara silang dead on arrival.

Kapwa nagtamo ang dalawang lalaki ng matitinding paso at sunog sa katawan.

About The Author