![]()
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Biyernes na nagboluntaryo ang expressway operators na magbigay ng dalawang buwang toll discount simula sa March 23.
Ito ay para sa public utility vehicles, public utility buses, at mga sasakyang ginagamit bilang freight services.
Ayon sa DOTr, ang toll reprieve ay sa gitna ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Idinagdag ng ahensya na ang 2-month discount sa NLEX, SLEX at STAR ay maaaring ma-extend subject sa review.
Ang toll discounts ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng rebates na maaaring ma-credit kada linggo sa lahat ng kwalipikadong sasakyan.
